grabe. ganto pala yung feeling ng pagod na yung utak mo. mas matindi pa pala sa fatigue. [sus, O.A naman yun] pero seryoso, napagod talaga ako. kasi medyo alinlangan pa ko dun sa naisulat kong article, tapos afterwards tinuruan pa kami ng online writing. tapos nagpagawa pa ng article na ipapasa bukas. tapos 7pm na ko nakauwi. tapos nagloko pa yung broadband. tapos nasayang lang ang 100 pesos ko dun sa isang broadband. tapos pinagsabihan pa ng pinagsabihan ng mame. tapos hndi ko pa nasisimulan yung article. tapos si fitz e nagtatampo pa. KELAN BA MATATAPOS TO?
anyways, kelangan e tanggapin na lang. at least, God was with me all through out the day. at nagpapasalamat ako sa Kanya dahil dun. Thank you, oh Lord. sana po gabayan nyo ako bukas ulit.
sa totoo lang, wala akong tiwala sa sarili ko. alam kong contest to, at tatanggapin ko kung failure or triumph ang kalalabasan. matatanggap ko, pero sana matanggap din ng mga tao sa paligid ko. kasi ayoko ng may nadidisappoint na tao, pero minsan walang magagawa. ganun talaga.
WELL, GOODNIGHT! KEEP THE FAITH AND KEEP SMILING! :)
No comments:
Post a Comment